top of page
Film Set

SHOWBIZ BALITA

Tampok na Bidyo

ILANG SIKAT NA RECORDING ARTISTS MAGTATANGHAL NGAYONG HUNYO SA PAF

ni: Alfredo Patriarca, Jr.

SHOWBIZ BALITA

Miyerkules, Hulyo 5, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Chamba Fitness Dance kinagiliwan ng solo parents group...

CHAMBA KIDS KASADO NA RIN 

358360806_554948109977607_3131671764952807906_n.png
353167364_3535815296634940_1425584707496163086_n.jpg

Kuha ni Alfredo Patriarca, Jr.

TODO suporta ang ipinakita ng sektor ng solo parents sa Chamba Fitness Dance bukod pa sa ibang sektor ng Quezon City.

Sa nakaraang anibersaryo ng samahang Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas (KMP) sa pangunguna ni Rjhay Laurea ay labis naman ang pasasalamat niya sa butihing alkalde ng Lungsod ng Kyusi na si Mayor Joy Belmonte sa todong suporta nito sa pagdiriwang ng KMP kasunod ng media launching ng "Chamba: Sayawit sa Linggo ng Wika" sa pakikiisa ng Noblelife, 'di ba Ms. Jing?

​

Double celebration nga  ang naganap noong June 30.

​

Masasabing tagumpay naman ang ginawang paglulunsad ng pagdiriwang ng anibersaryo ng KMP at media launch ng "Chamba: Sayawit sa Linggo ng Wika".

​

Nandun ang solo parents groups na nakiisa sa nasabing pagtitipon na nagpahayag ng suporta sa proyektong Chamba Fitness Dance. Nagpahayag din ng pagsuporta ang professional, LGBT, socio-cultural, at health sectors sa nabanggit na proyekto.

​

Target naman na sa August 12 na isagawa ang naunsiyami noon na malawakang Chamba Fitness Dance Clinic na naunang pinamagatang "Chamba Independence Day: Sayawit Para sa Kalayaan" na naudlot noong bisperas ng Araw ng Kalayaan dahil sa bagyong "Chedeng".

Tuloy na ang Chamba Fitness Dance Clinic dahil mismo si Rjhay ay inihayag na Rain or Shine ay matutuloy na ito dahil nakahanap na sila ng lugar na may bubong para the show must go on.

​

After naman ng "Chamba: Sayawit sa Linggo ng Wika" sa August 12 ay itsinika naman ni Rjhay na ikinakasa na nila ang "Chamba Kids" project dahil gusto nila na 'di lang matatanda ang maging malusog kungdi ultimo ang mga kabataan.

​

Ang Chamba ay pinaghalong Chacha, modern dance, at Samba na 'di lang matatanda ang puwedeng sumabay kungdi kahit bata ay ubra na rin sumunod. Kaya naman iniisip nila na ang isunod ay ang "Chamba Kids" para bukod sa matatanda ay target din nila ang kalusugan ng mga kiddos.

Bonggacious! Go! go! go! Congrats sa 13th years ng Anniversary ng KMP sa pangunguna ni Rjhay! More years to come!      Well, well, well... 'Yun na!

 

SHOWBIZ BALITA

Biyernes, Hunyo 23, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Offer sa panghapon na slot tinanggihan... 

Pagpasok ng TVJ sa TV5 sa July 1, pag-exit naman ng

'It's Showtime' 

JUNE 20 taong kasalukuyan nang magpalabas ng pahayag ang ABS CBN na 'di na nga mapapanood ang "It's Showtime" sa TV5. Dahil naman ito sa pagpasok ng TVJ na sa July 1 ay magsisimula na ang palabas ng Legit Dabarkads. Sa pagpasok ng TVJ ay mag-e-exit naman na ang "It's Showtime" sa TV5 na 14 years nang nagbigay-saya sa Madlang Pipol at ang isang taon nga rito ay napapanood din sila sa TV5. Sa IG nga ni Vice Ganda ay sinabi nito na marami na silang pagsubok na pinagdaanan at nakaya naman nila. Ani pa ng netizens na ganun daw talaga 'pag may nagsara ay may magbubukas. Sa parinig nga ni Vice ay nagpahiwatig na ito na lilipat at mapapanood naman sila sa GTV sister company ng GMA-7. At sa IG post nito ay emosyomal naman ang TV host/comedianne sa pagbibigay ng mensahe sa rigodon sa noontime.

viber_image_2023-06-19_20-14-29-212.jpg

Bukod naman sa GTV ay mawa-watch pa rin ang "It's Showtime" sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Nagpasalamat naman ang Kapamilya sa TV5 at sa chairman nito na si Manny Pangilinan dahil inoperan pa rin sila ng 4:30pm time slot na bagong oras sana na mapapanood ang "It's Showtime" kaso tinanggihan nila ito. Dahil nasanay na umano ang tao na sa noontime napapanood ang "It's Showtime". Kaya matinding pukpukan ito sa noontime dalawang Kapuso channel laban sa TV5. 

TAPE Inc., 'di rin papayag na mawala sa kanila ang titulong

'Eat Bulaga'

jalosjos-siblings-1686116333.jpg

DOKUMENTO naman o papales ang magpapatunay diumano na sa TAPE Inc., ang pagmamay-ari ng titulo na "Eat Bulaga". Kaya ang Dabarkads excited na kung ano nga bang title ng TVJ program sa TV5. Kasalukuyan na ngang dinidinig sa korte kung kanino nga ba mapupunta ang title na "EB". Kahit pa nagpasaring si Bossing Vic Sotto na 'di sila papayag na ganun ganun lang na mapupunta sa iba ang titulo ng "EB". Laban naman ang TAPE Inc., at handa naman sila at kumpleto sila ng papeles sa kabila na nagbigay babala na ang Jalosjos siblings na idedemenda nila ang gagamit ng titulong "Eat Bulaga". As in, ilalaban naman ng TAPE Inc., na sa kanila ang "EB" title. Sa kabila na ayaw pa ihayag ng TVJ at kampo nito ang gagamiting titulo sa TV5 kaya marami naman abangers at ultimo ang TAPE Inc., ay tutok sa magiging title ng  noontime ng TVJ sa TV5 na magsisimula nang mapanood sa July 1 taon kasalukuyan. Hmmmp!?  Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Lunes, Hunyo 19, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Akala ng marami nalulugi...

Yorme pahiya sa isang kalahok

VIRAL ang bagong segment ng new version ng EB na idinagdag si Yorme Isko Moreno at may sitsit pa na pati si Bayani at Randy ay papasok na din sa TAPE. Sa segment nga ng pamimigay ng datung sa kalye ni Yorme kasama si Buboy Villar, isang jeepney driver ang masuwerteng nabiyayaan ng salapi.

 

As in bumuhos ng salapi sa pamimigay ng new EB hosts Yorme at Buboy. Ask lang naman ni Yorme kung magkano ang ginagasolina at boundary ng driver at instant naman na binigyan agad-agad ng salapi ni Yorme ang jeepney driver. Kaso, windang ang Yorme at Buboy, nagulat ang 2 hosts nang magpasalamat na ang driver at ang pinasalamatan ay sina Tito, Vic, at Joey kaya nangingiting naasar na lang si Yorme at Buboy.

 

Kaya 'di maitatanggi na kapag sinabing Eat Bulaga ay TVJ na talaga ang naiisip ng tao. Ani pa ng netizens na: "akala ko ba nalulugi eh bakit panay pamudmod nila ng salapi?" Ayan napahiya pa sila, imbes mga bagong EB hosts ang pasalamatan sina TVJ pa rin ang pinasalamatan.

Joey may parunggit sa TAPE, Inc...

TVJ at buong legit Dabarkads nag-lunch sa bago nilang tahanan

SA live naman ng Legit EB Dabarkads ay pinasilip nila ang pagdalaw at pagtungtong sa kauna-unahang pagkakataon sa TV-5. Si Ryan Agoncillo naman ang nagla-live habang ipinapakita ang pagla-lunch sa bago nilang magiging tahanan - ang TV-5.

 

Inisa-isa naman ni Ryan ang kanyang mga kasamahan sa show sina Maine Mendoza, Allan K, Jose Manalo, Wally Bayola, Paulo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, at siyempre, ang TVJ. Sumigaw pa nga si Ryan nang "alas dose" sabay sigaw din ng lahat na "Eat Bulaga na!", hudyat lang na may paramdam na sa kanilang pagbabalik. Nang masentro ang cam si Joey De Leon sa kanilang live ay nagsabi ito ng live ba 'yan.

 

Sagot ni Ryan, "yes Boss Joey live ito". Sabay sabi ni Joey ng "sige, live gusto ko ayaw ko ng TAPE" sabay tawanan. Tiyak na pag-uusapan na naman ang linyahan ni Joey lalo na't nag-trending na naman ito.

Eric Ferrer, napakadakilang ama...
Anak na si Erika, future diva?

WALA na yatang sasaya pa sa isang magulang na tulad ni Eric Ferrer na tatay ni Erika Ferrer na ibigay ang kasiyahan at kinakahiligan ng anak. Bago pa man dumating ang pandemya ay nagba-vlog na si Eric kasama ang taga-JBtv. Bata pa lang si Erika ay isinasalang na ng ama ang anak na si Erika 'di naman mahiyain ang bagets. Kaya nakakitaan ng tropang JBtv na may talento ang anak kaya naman 'di na ito nagdalawang-isip na ipa-voice lesson ito para mas lalo pang ma-develop ang magandang voice ni Erika with voice coach Rjhay Gwapito.

Amazing nga si Eric at masasabi mong napakadakila nitong ama sa kanyang unica hija. Sa kabila na mayroon itong problemang pangkalusugan ay naibigay pa rin nito ang all support sa anak na si Erika na ayon kay Rjhay ay may magandang future sa music industry. At gagawin naman lahat ni Eric na ibigay ang lahat ng suporta sa anak sa ikakaligaya nito. Timing naman sa Fathers' Day ang kuwento ng ipinapakita ni Eric na pagmamahal at suporta sa anak. Napakadakilang ama ni Eric sa kanyang anak. Happy Fathers' Day to all Tatay in the world! Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Biyernes, Hunyo 16, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Parunggit ni Vice sa kalahok kinonek sa TVJ ng netizens 

OG Dabarkads at Vice Ganda

SA katigasan ng ulo ng isang contestant sa segment ng "It's Showtime" napahirit tuloy si Vice Ganda. "Ang tigas ng ulo mo 'di ka nakikinig sa Madlang Pipol nagpalipat-lipat at palit ka ng box kaya ayan resulta loss ka, ani pa ng TV host. Naging tradisyon at kultura na nga raw sa show ang makinig sa Madlang Pipol para 'di magkamali sa desisyon hugot pa ulit ni Vice. "Huwag kasi matigas ang ulo hayan bumaba na ng husto ang take home mo. Minsan kasi makinig para 'di magkamali sa desisyon," hirit pa ni Vice. Kaso may mga netizens na nag-ugnay nang salita ni Vice sa TVJ sa paglipat nito sa TV5 soon dahilan kaya napunta na ang "It's Showtime" sa GTV sister company ng GMA-7. Pero kahit sa contestant naman ang hirit ni Vice may mga netizens pa rin na inisip nila patutsada yata ni Vice ito sa paglipat at pagpalit ng network ng TVJ. Sabat naman ng fanatic ni Vice na 'di naman daw talaga sa TVJ 'yung hirit ni Vice sa kalahok niya raw 'yun ipinapatungkol at 'di sa TVJ, ani pa ng fanatic ni Vice. May ibang naniniwala rin na ang hirit ng unkabogable phenomenal star ay para sa TAPE Inc., na sa kabila ng panawagan ng tao na huwag gamitina ang title na "Eat Bulaga" sa kanilang bagong show ay patuloy pa rin ito sa paggamit kaya walang patid ang pangba-bash sa kanila ng publiko.

Chamba tuloy na sa QC ngayong Agosto!

Master Guru Mel Feliciano, inaabangan na ang paghataw ng sayaw

353167364_3535815296634940_1425584707496163086_n.jpg

DAHIL naman sa epekto ng walang tigil na ulan dulot ng habagat na hatid ng bagyong "Chedeng" ay nakansela ang isang big event na gaganapin dapat noong Linggo, Hunyo 11 sa Quezon Memorial Circle. Nag-anunsiyo naman na tuloy na at wala nang makakapigil pa sa big event ng taon sa darating na Agosto 12, Sabado sa parehong liwasan ngunit sa halip na sa open venue na Liwasang Aurora ay sa Covered Court na ito gagawin.

​

Excited pa naman ang halos lahat ng QCitizens sa nasabing aktibidad lalo na ang mga dance fanatics na inaabangab ang pagsayaw ng Master Guru na si Mel Feliciano. Tuloy na ang Chamba na una nai-schedule noong bisperas ng Araw ng Kalayaan pero naunsiyami dahil sa walang tigil na ulan. Ang panibagong petsa ng event na ito ay sa Sabado, Agosto 12 at magiging isa nang pagtitipon para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika.  

​

By the way, ang Chamba na gagawin sa QMC ay pinamagatang "Sayawit sa Linggo ng Wika". Ito ay kumbinasyon ng fitness dance na Chamba at concert na kakaiba dahil ang nasabing sayaw-ehersisyo ay iindakan ng mga participants habang live na kinakanta ng singers ang mga piyesang sasabayan ng ating Chambaers. 

​

Oh 'di ba kakaibang event ito kaya naman marami nang QCitizens ang  nanabik  na masaksihan ang kakaibang estilo na ito ng mixed-dance ng Chacha, modern dance at Samba na live na aawitin ng Chamba singers sa mas mabilis o sakto lang na tempo ng mga song mixes. 

​

Kasama nga sa mga singers ang ating very own publisher Rjhay Laurea a.k.a. Rjhay Gwapito na isa rin writer singer composer vlogger magpapakilig na naman sa mga kababaihan sa kanyang special numbers at ang dalawang female singers na sina Monette Bernabe at Aleczandra Yamzon. Kasama rin sina Ron Calleja at Hyler Ghidz.

​

Bukod diyan mga QCitizens Inaabangan din ang mga kalahok sa OTS (On-The-Spot) Dance Challenge kung saan ora mismo na pasasayawin ang mga maglalabanang grupo nang hindi alam ang mga sayaw at kung sino ang kanilang magiging Chamba Guru. At isa sa highlights ay ang pag-indak nga ni Master Guru Mel Feliciano na siyang lumikha ng Chamba (kumbinasyon ng ChaCha, modern dance at Samba). 

​

Ayon naman kay Rjhay na nagpatotoo na napakaganda ng konsepto ng programang ito, mas tinitignan nila ang positibong pangyayari na maidudulot ng pagkakaantala ng programa dahil sa habagat at ito ay mas mabibigyan pa sila ng sapat na panahon para mas pagandahin pa ang inihandang programa na bukod sa matuturuan ng bagong fitness dance ang mga QCitizens ay mabibigyan din sila ng libreng health assessment, maipo-promote ang ilang negosyo sa QC, at maraming CSOs (civil service organizations) ang matutulungan. Oh ha! Saan ka pa?

​

Samantala, marami ang makikinabang dito sa nasabing proyekto kung saan may bayanihan-style ng pagkuha ng mga lalahok. Ang programang ito ay hatid sa atin ng Kalinangan TV, Kiwanis Club of QC Legends, at Noblelife International sa pakikipagtulungan ng Entrasol Platinum at ng QC Local Government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte.  Ang opisyal na media partner naman ay ang Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas. Kita-kits tayo sa Sabado, Hunyo 12, 8am-6pm sa Covered Court ng Quezon Memorial Circle at tayo'y makisaya sa "Sayawit sa Linggo ng Wika". Well, well, well... "Yun na...
 

SHOWBIZ BALITA

Miyerkules, Hunyo 14, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Exec ng TAPE Inc., nagbigay ng babala 

jalosjos.jpg

Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon

Mayor Bullet Jalosjos

IGINIIT ng exec ng TAPE Inc., sa isang panayam at nagbigay ito babala sa mangangahas na gamitin ang titulong "Eat Bulaga" ng kahit na sino. At kung sinuman ang mangahas na gamitin ito ay ihahabla ng TAPE Inc., ani pa ni Bullet Jalosjos. Pinagdiinan nito na pag-aari rin nila lahat ang show at titulo ng nasabing noontime show. Natatandaan pa nga ng exec nang makausap nito ang pinaka-pinuno ng TAPE Inc., na si Jalosjos Sr., na nakausap daw ng anak ang ama nang bigyan siya ng mga choices ng magiging titulo noon ng programa at "Eat Bulaga" nga ang napiling titulo ng ama nina Romeo Jr., at Bullet.

​

Nagparunggit pa nga ito na 'di man lang din daw naisip ng TVJ nang magbitiw sila na may mga naiwan pang maliliit na manggagawa sa EB at ito ang mga propsmen. Dagdag pa ng exec na nakakalula ang gastos ng production costs na pinalagan ng mga siblings na gusto lang ng TAPE Inc., mabawasan lang ang productions cost.

​

Na-hurt din naman ang mga Jalosjos sa biglaan pagpapaalam ng TVJ. Dapat naisip din daw ng TVJ na sa halos na 44 years ay kabahagi ang pamilya Jalosjos ng programa. Pinaplantsa nga raw ang gusot at mag-meet the halfway. Nauulinigan na nga raw ng mga Jalosjos na planado na ang pagpapaalam ng TVJ dahilan kaya 'di ito pinaere noon May 31 taon kasalukuyan. Na-sad nga ang Jalosjos brothers dahil itinuloy pa rin nila sa FB live ang anunsiyo na dapat ang gusot ay naayos na sana ani pa sa panayam ng exec ng TAPE Inc. 

​

Marami na ngang nagpre-pray na matuldukan na ang gusot sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc. So, marami pa rin abangers kung ano ba ang ititulo ng TVJ sa noontime show nila sa TV 5 na early July sisimulan. Kakaloka rin ang mga netizens kung makisawsaw nagpahaging kay Paolo Contis na laki raw magbigay ng papremyo 'di naman mabigyan ng sustento ang mga dyunakis. Inulan din ng batikos si Buboy Villar na nakisimpatya muna at nabulaga naman ang lahat ng makita ang face ni Buboy sa new host ng EB kaya inulan ito ng pambabash.
 

SB19 nagtayo ng sariling talent agency

YES! Nagtayo ng sariling talent agency ang Ppop group na SB19 para makatuklas pa ng ibang artists na may potensiyal sa entertainment industry. Mismo naman ang lead vocalist nito na si Pablo at Jus ay sinabi na mismo ang kanilang grupo ay ima-manage na rin ng kanilang itatayong talent agency. Gusto naman ito ng SB19 na layong makipagsabayan ang mga talentadong Pinoy sa mga foreign artist. Ang talent agency na itatayo ng grupo ay tinawag nilang One Zone (OZ). Dahil sa paghataw sa Top chart ng kanilang music eto't may bago na silang pagkakaabalahan para sa kanilang One Zone Entertainment. Well, well, well... 'Yun na...

SHOWBIZ BALITA

Biyernes, Hunyo 9, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Jalosjos brothers nakikiusap sa pagbabalik ng TVJ...

GMA-7 at TAPE INC., nalugi ng P40M nang mag -alpasan ang advertisers

Ang Dabarkads ng TVJ-led "Eat Bulaga".

NARAMDAMAN na nga ng GMA-7 at TAPE Inc., ang epekto ng pagkalugi simula nang kumalas ang TVJ sa TAPE Inc. Kahit ang GMA-7 lalo ang TAPE Inc., ay malaki ang nalugi sa unang araw pa lang ng pagkalas ng TVJ sa mga Jalosjos.    Sa first day pa lang nang wala na ang TVJ sa TAPE Inc., ay nalagasan na ng halos P40M na pagkalugi ang dalawang kumpanya. Naglayasan naman kasi ang malalaking advertisers ng "Eat Bulaga" na susundan ang TVJ at ayaw naman ipagkatiwala ng malalaking advertisers sa mga bagitong host ang kanilang brand. Kaya may mga sitsit na nakikiusap at nagsusumamo ang mga CEO at top execs ng TAPE Inc., sa TVJ na magbalik na sila. Humingi na rin ng paumanhin ang Jalosjos brothers kung nasaktan man nila ang damdamin ng TVJ ay humihingi na ito ng pasensiya sa kanilang mga nasabi. Naapektuhan na nga ng bonggang bongga ang TAPE Inc., at GMA-7 ng pagkalugi. Kaso huli na yata dahil nag- anunsiyo na ang TVJ na first week ng July sila mag-start diyan sa Studio ng TV-5 sa Mandaluyong. Pagmamalaki pa ni Tito Sen na may mga bago silang segment na talaga naman nakakaaliw at ang saya at kahit nga silang TVJ ay natatawa anunsiyo ng TVJ sa kanilang EB FB fan page. Sabi nga sa tsika-tsika na nasa huli ang pagsisi 'di naman kasi tinignan na kahit old but goodies na ang TVJ ay marami pa rin giliw sa kanila. Kaya mangyayari magsasalpukan sa ere ang "Eat Bulaga" the orig vs. bagong "Eat Bulaga". Ang "It's Showtime" biglang naitsapwera sa tapatan dahil EB vs. EB na ngayon ang labanan. Masaya toh!?

Ice Seguerra, nakipag-lips-to-lips kay Romnick na idi nag-toothbrush

Romnick Sarmenta at Ice Seguerra

MARAMI naman nagulat sa bagong pinag-uusapan ngayon ay tila may nagkakalat na babae na raw si Ice Seguerra.    May mga comment naman na 'di ba raw ito nadiri nang makipaglaplapan sa kapwa nito boys sa bagong project. Yes wala naman kagatul gatol at bigay-todo si Ice sa pakipaglaplapan kay Romnick Sarmenta para sa bagong serye na pagsasamahan nila na ipapalabas sa iWanttv na "Drag You and Me". Ani pa nga ni Ice sa isang tanong ng netizen na buti nagawa nito makipaghalikan kay Romnick. Sa totoo nga lang daw ay na miss nito ang pag-acting last 2012 pa nung mapanood ito sa serye na "Please Careful With My Heart" bilang si Kite. Natatawa pa ngang sabi ni Ice na sumalang agad ito sa halikan with Romnick na wala pang toothbrush. Dagdag pa nito na 'di pa nga siya nakapagpaalam sa asawang si Liza Diño-Seguerra sa L2L nila ni Romnick. Sa huling pahayag nito na miss niya ang acting.

Mel Feliciano, inaabangan ang pagsayaw...

CHAMBA MAGSASABOG NG ISANG MILYON TUWA AT KASIYAHAN SA BISPERAS NG ARAW NG KALAYAAN
 

ETO na, eto na nga ang pinakakaabangan na big event ng Kyusi ngayong darating na bisperas ng Araw ng Kalayaan. Dahil sa isang event na pinagsamang fitness dance at concert - ang "Chamba Independence Day: Sayawit para sa Kalayaan".... Kakaiba ito dahil ang Chamba group ay may paghahanda na kakaiba sa kanilang inaabangang fitness dance. At eto nga ang exciting dahil kasabay ng kanilang pagsayaw ay live na kinakanta ang mga piyesang kanilang iindakan. Oh 'di ba kakaibang event ito kaya naman marami nang QCitizens ang nanabik na mapakinggan ang mga Chamba singers habang kinakanta sa mas mabilis o sakto lang na tempo ang mga song mixes ng Chamba. 

​

Kasama nga sa mga singers ang ating very own publisher Rjhay Laurea a.k.a. Rjhay Gwapito na magpapakilig na naman sa mga femmes sa kanyang special numbers at ang dalawang female singers na sina Monette Bernabe at Aleczandra Yamzon. Bukod diyan mga QCitizen, inaabangan din ang mga kalahok sa OTS (On-The-Spot) Dance Challenge kung saan ora mismo na pasasayawin ang mga maglalabanang grupo nang hindi alam ang mga sayaw at kung sino ang kanilang magiging Chamba Guru. At isa sa highlights ay ang pag-indak ng Master Guru Mel Feliciano na siyang lumikha ng Chamba (kumbinasyonng ChaCha, modern dance at Samba).

​

Mismo si Rjhay ang nagpatotoo na napakaganda ng konsepto ng programang ito dahil bukod sa matuturuan ng bagong fitness dance ang mga QCitizens ay mabibigyan din sila ng libreng health assessment, maipo-promote ang ilang negosyo sa Quezon City, at maraming CSOs (civil service organizations) ang makikinabang ohha saan ka pa. By the way, ang CSOs ay makikinabang dito dahil sa kanilang bayanihan-style ng pagkuha ng mga lalahok. Isa rin sa layon nito ay palaganapin ang paglaban para sa "Kalayaan sa Karamdaman, Kalungkutan at Kahirapan" na siyang pangunahing gumagapos ngayon sa marami nating kababayan.

​

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng Kalinangan TV, Kiwanis Club of QC Legends, at Noblelife International sa pakikipagtulungan ng Entrasol Platinum at ng QC Local Government na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte. Ang opisyal na media partner naman ay ang Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas. Kita-kits tayo sa Sunday, June 11, 8am-6pm sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle at tayo'y makisaya sa bisperas ng Araw ng Kalayaan.     Well, well, well... 'Yun na!
 

SHOWBIZ BALITA

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Netizens tumaas ang mga kilay...
Eto pala rating ng bagong Eat Bulaga host 50.8% at noon sa TVJ 12.1%

Ex-Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon

Bagong 'Eat Bulaga' hosts

BAGO pa man umalis sa kuwadra ng TAPE Inc. ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon) nung May 31 taong kasalukuyan ay napanatili pa nito ang taas ng rating sa ng "Eat Bulaga" sa 6.8 % kumpara sa "It's Showtime" na nakakuha lang 2.8%. Nitong nag-replay na ang "Eat Bulaga" ay bumaba nang bahagya sa 5.6% at tumaas ang katapatan na "It's Showtime" sa 3.4%. Sa latest survey ikinumpara naman ng mga Jalosjos na may-ari ng TAPE Inc., na grabeng taas ng kanilang rating nitong bagong salvo na pagsisimula ng mga bagong host ng "Eat Bulaga".

 

Hati naman ang mga reaksyon ng mga masa may sang-ayon, may nagulat at 'di makapaniwala. Kahit kabi-kabila at inulan nang pangba-bash ng netizens ang mga bagong salang na mga bagong host ng "Eat Bulaga". Ibinida at ipinagmalaki ng mga Jalosjos na nakakuha ng 50.8% ang mga bagong host ng "Eat Bulaga" kumpara sa dati na TVJ na 12.1% lang. Nagustuhan naman daw ng marami ang bagong pagbabago sa "Eat Bulaga" na nagmistulang pinagsanib na "All Out Sunday" at "Bubble Gang" ang datingan ng bagong "Eat Bulaga".

 

Sa kampo naman ng TVJ ay natatawa lang ang mga ito sa pagbibida ng mga Jalosjos sa umpisa lang daw 'yan dahil na-curious ng tao kaya tinutukan. Pero maraming netizen ang napataas ang kilay sa ibinidang ratings ng mga Jalosjos. Ayon pa sa isang netizen, nananaginip ng gising ang mga Jalosjos dahil marami ang inilipat sa kalabang programa ang panonood o pinatay na lamang ang TV at hindi tinapos ang kanilang programa. Babagsak daw ang rating ng bagong EB sa mga susunod na araw, pagdidiin pa ng ibang solid Dabarkads at supporters ng TVJ.

Vice Ganda at Vhong Navarro, 'di nagpahuli sa

'Gento' Dance Challenge

Vice Ganda kasama ang SB19

KAHIT naman ang mga "It's Showtime" hosts na sina Vice Ganda at Vhong Navarro ay 'di nagpahuli sa trending na dance step ngayon na pinasikat ng SB19. At sa kanilang mga socmed post ay ibinahagi nila Vhong at Vice ang pagsali rin sa "Gento" Dance Challege. Natuwa naman si Vice dahil kasama niya ang SB19 boys na sumayaw ng "Gento" Dance Challenge. Natuwa rin ang SB19 dahil pasok naman sa Top Chart ang kanilang "Gento" na kinagigiliwan ngayon mapa- showbiz personalities at ordinaryong mamamayan. Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Lunes, Hunyo 5, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

TVJ at buong Dabarkads host may kapalit na agad?

Betong

Buboy Villar

Kim Atienza

Alex Miro

SA pagbibigay statement ng TAPE sa pagkalas ng TVJ at kasamahang host ay nagbigay naman sila ng saloobin na sila ay nalulungkot sa naging desisyon ng mga host lalo na ang TVJ. Pero the show must go on ika nga at 'i dapat tumigil ang mundo. My mga bulung bulungan at sitsit na may kapalitan na ang lahat ng umalis na host sa long running noontime show na "Eat Bulaga". Aba ang mga magiging bagong host ng noontime show ng TAPE ay ang Presidential son gf na si Alexa Miro kasama sina Kim Atienza, Buboy Villar, at Betong. Kaso tila si Kuya Kim ay tuwing Sabado lang pupuwede dahil sa TikOClock show nito araw-araw. Tahimik pa rin ang kampo ng TVJ team sa pagkakaroon na nila agad ng kapalit. Kaso ang mga netizens ay may mga top choice rin na gustong maging mga bagong host ng TAPE show tulad nina Bea Alonzo, Marian Rivera, Julie Anne San Jose at si Barbie Forteza kaso top choice lang yan ng netizens. Sina Alexa, Kuya Kim, Buboy at Betong ang mga bago raw magbibigay ng isang libong tuwa at saya matapos kumalas na sina TVJ at buong tropa nito. Kaso 'di pa diyan natatapos ang usapan kaya abang-abang lang sa mga susunod pang mga kabanata...

Kim Chiu, maingat sa pagbibigay ng mensahe sa pamamaalam ng TVJ

NANINIWALA naman si Kim Chiu na may mga pagkakataon nga raw na may pagbabago na mangyayari sa buhay.      Tulad nang pagpapaalam ng Tito, Vic, at Joey sa TAPE na mahigpit nilang kalaban sa noontime show noon at kahit digital online na lang ang "It's Showtime". Maingat naman si Kim sa pagbibigay pahayag na ayon sa Tsinita Aktres na kahit saan naman daw mapunta ang TVJ ay susundan at susundan at papaanoorin at panooron pa rin sila. Sa tagal na nga raw nila sa industriya ay may naitatag at napakarami nang naiambag sa insdustry ang Tito, Vic, at Joey. May pagrespeto pang pagbibigay pahayag ni Kim na naabutan at nakamulatan na rin ng singer actress nung bata pa siya ang TVJ sa "Eat Bulaga". Well, well, well... 'Yun na!

Kim Chiu

SHOWBIZ BALITA

Biyernes, Hunyo 2, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Ex-Sen. Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon

TAPE tinuluyan sina Tito Vic at Joey...
 Netizens nagalit, ibo-boycott ang ipapalit na programa sa TVJ-hosted na 'Eat Bulaga'

MAY 31 ng taong kasalukuyan nang pumasok sila Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon (TVJ) para magtrabaho. Pero ikinansela ng new management ang programa at hindi sila pinayagang umere bagkus ay ni-replay na lamang ang mga nakaraang palabas ng show na "Eat Bulaga". At pagdating ng Hunyo 1 at mga susunod pang araw at buwan ay 'di na makikita nang live ang TVJ sa "Eat Bulaga". Kaya naman gulat at galit ang lahat nang tinuluyan ng TAPE na tanggalin na ang TVJ sa "Eat Bulaga". Sa mga komento pa lang ng netizens sa socmed platforms tila alam na natin ang kahihinatnan ng reformating na gagawin ng mga Jalosjos sa show na sa palagay ng taumbayan ay mauuwi sa kasuhan.

Ilan pa nga sa netizens na loyal Dabarkads ang nagsabing ibo-boycott nila ang anumang show na ipapalit ng mga Jalosjos sa "Eat Bulaga". Ang iba naman naaawa umano sa mga host na ipapalit dahil tiyak na sa kanila mabubunton ang galit ng tuambayan kaya agad din silang malalaos. May mga netizen pa na nagsabing huwag na huwag gagamitin ng mga Jalosjos ang title na "Eat Bulaga" dahil si Joey de Leon ang nakaisip nito at ang theme song naman nito ay komposisyon ni Vic Sotto.

 

Matapos nga na ianunsiyo ng TVJ ang kanilang pag-alis sa TAPE, Inc., sumunod na nagsipag-resign ang iba pang co-host na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K., Maine Mendoza, Ryza Mae Dizon, Paolo Balleteros, at Ryan Agoncillo. Bago ito, nagpasalamat naman ang TVJ sa 44 years na nakasama sila sa noontime show. Kahit ang GMA-7 ay lungkot na lungkot sa mga pangyayari sa pagitan ng TAPE at ng TVJ. Wish naman ng network na maayos pa ang gusot sa pagitan ng dalawang panig. Halos 28 years din kasi namahay ang "Eat Bulaga" sa GMA-7 kaya naman nakasanayan na ng nasabing network.

 

'Till 2024 pa naman ang block time contract ng TAPE sa GMA-7 kaso marami talagang na-sad at na-angry sa pamamaalam na 'yun ng TVJ. Umalis man sila sa TAPE, Inc., may sitsit na sa TV5 na ang TVJ lilipat at patuloy pa rin nga sila maghahatid ng isang libong tuwa at saya. Ang tanong, gamitin din kaya ng TVJ ang title na "Eat Bulaga" sa lilipatan nila, kasi malinaw sa kanilang anunsiyo na sa TAPE, Inc., sila nagpapaalam hindi sa "Eat Bulaga"? Isa pa, ayon sa mga naunang pahayag ni former Senator Tito Sotto, batay daw sa intellectual property law, ang TVJ ang may-ari ng trademark na "Eat Bulaga". Ngayon wala na ang orig Dabarkads na TVJ mag-rate pa kaya ang Jalosjos-version na "Eat Bulaga"? Hmmmp!?

Pag-amin ni Michelle Dee na isa siyang bisexual ikinagulat ng BFF na si Rhian

Rhian Ramos, Ms. Universe PH 2023 Michelle Dee, Max Collins

HINDI nga lang si Rhian Ramos, ang bff ng Miss Universe Phillipines 2023 na si Michelle Dee, ang nagulat sa rebelasyon ng anak ni Melanie Marquez. Kahit nga netizens ay gulat din sa ipinagtapat ni Michelle. Wala naman kasi sa datingan at awrahan ni Michelle na ganun siyang tao na kanya ngang isiniwalat. Kahit nga si Rhian ay 'di din makapaniwala sa tsika ng kaibigan. Although na may nakakapansin na dati pa pero 'di naman ganun masyadong halata. Kaya naman shocking talaga ang netizens at mga kaibigan ni Michelle. Kung sabagay wala naman daw masama kung umamin si Michelle na isa siyang "bisexual". Sa kabila ng pag-amin ni Michelle ay kahit ano pa nga raw itong rebelasyon ay 'di naman nagbago ang pagtingin ng bff na si Rhian kay Michelle at mahal pa rin niya ang kanyang kaibigan at tanggap nito ang pagiging bisexual ng bff. Nangingiti na nga lang ang mga malalapit kay Michelle at 'di makapaniwala sa kanyang rebelasyon. Kahit ang isa pang kaibigan na si Max Collins ay bumilib sa pag-amin ni Michelle. Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Miyerkules, Mayo 31, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

viber_image_2023-05-30_06-06-09-424.jpg

Ice Seguerra at Liza Diño Seguerra

Liza, nakuwestyon at may pumalag sa pagpabor kay Ice sa mga FDCP projects 

SA pag-alis ni Liza Diño Seguerra sa FDCP (Konseho ng Pagpapaunlad sa Pelikula ng Pilipinas o Film Development Council of the Philippines) kung saan siya ang dating tagapangulo ng nasabing kagawaran na kung saan ang ilang stakeholders at insiders ay nagsiwalat, may ibinunyag at inilantad na mga iregularidad daw sa isang online platform, inakusahan naman ang dating Chair ng FDCP na one woman rule na nagsasantabi raw ng kapangyarihan ng film council as ten member group sa 6 years na term nito bilang tagapangulo o chairperson na nakaupo sa nasabing kagawaran mula August 2016 hanggang July 2022.

Kung saan ay nakukulapulan ng intriga at isyu ang dating namamahala ng FDCP at inakusahan ng  "conflict of interest", favoritism at kawalan ng delikadeza. Ang pagpalag naman ng stakeholders at insiders ay itong isyu na si Liza ay pinaboran kasi si Ice para mabigyan ng mga projects na umabot ng milyones ang halaga. Kaya may mga pumalag at kumontra kasi sa pagpabor kay Ice sa lahat ng projects ng Konseho habang si Liza pa ang nakaupo.Kahit ang pagkuha kay Ice as performer, direktor at producer ng FDCP projects na walang proseso ay kwestyonable rin.

​

At ilan naman na paglalantad ay itong pagdidirek ni Ice sa Sine Sandaan Centenial Concert 2019 sa Kia Theater para sa FDCP Online Education Portal Institute. Ani pa ng stakeholders at insider na nag-tell sa isang socmed platform na obvious na nakinabang si Ice habang nakaposisyon si Liza. Sitsit pa ng chika belle kaya pala atat na atat ang ex-chair na ma-extend ang term nito till 2025 para makapuwesto. Alam na raw this sabat naman ng isa pang netizen na nakisawsaw sa isyu. Well, kayo nang humusga kung may gusto lang manira sa magandang mga nasimulan ng former Chair ng FDCP.
 

Joshua, walang care kung hahantong na sa kasalan

ang ex at bf nito

HINDI naman aware si Joshua Garcia na ikinumpara na next John Lloyd Cruz daw. At knowing naman natin na mahusay sa pag-atake sa aktingan ang ex-bf ni Julia Barretto. Kaya naitanong naman kay Joshua kung alam ba nito na napag-uusapan na ng kanyang ex-gf at bf nito na si Gerald Anderson ang usapang kasalan. Ani naman ni Joshua na wala siyang alam na may ganun na silang usapan. Patotoo ni Joshua na simula nung pandemic ay totally wala na silang communication ng ex-gf 'till now. Pero if ever na papunta na ang ex sa panibagong chapter ng buhay nito ay happy si Joshua. Sabay kambyo nasa isip pa rin nito ang ex-gf if ever na gagawa muli sila together ng isang project.   At 'di naman nagpatumpik-tumpik si Joshua na gusto pa rin niya makasama ang ex-gf sa projects. Well, well, well...   'Yun na!

Joshua Garcia

SHOWBIZ BALITA

Biyernes, Mayo 26, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Regine Velasquez

Naging bahagi ng buhay...

Regine, labis ang kalungkutan nang masunog ang Manila Central Post Office

NA-SAD ang "Magandang Buhay" host at singer/actress na si Regine Velasquez nang mag-viral ang Manila Central Post Office na nilamon ng apoy. Naging part ng kanyang buhay ang Manila Central Post Office. Matatandaan noong 2002 na dito nai-shoot ang  film ni Regine at Richard Gomez na "Ikaw Lamang Hanggang Ngayon". Isang postal clerk ng Manila Central Post Office ang role ni Regine sa nasabing pelikula. Kaya 'di naman maialis ng iba pa niyang co-host na sina Jolina Magdangal at Melai Contiveros na damayan ang co-host sa MB sa kanyang nadaramang kalungkutan. Kahit ang mister na si Ogie Alcasid ay nagbahagi rin na naging part din ng kanyang buhay ang Manila Central Post Office nang mag-shoot din siya rito.

Jessy, may resbak sa hirit ni Luis:

"Pagalingin ko muna ang sugat"

NAGING viral naman ang lambingan ng Celebrity Couple online na sina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Ibinahagi ni Jessy sa IG ang isang pic nilang mag-ina habang karga nito si Baby Peanut.Marami naman natuwa na netizens na parang biglang laki ni Baby Peanut na kahit mismo si Jessy ay nagtataka sa mabilis na paglaki ng kanilang panganay ni Luis Manzano. Sa nakita namang larawan ni Luis sa kanyang mag-ina sa IG ay napakomento naman ang anak nina Vilma Santos at Edu Manzano sa kanyang esmi. Na-shock naman ang netizens sa komento ni Luis sa asawang si Jessy at puwede na daw sila gumawa ng isa pang baby. Sinakyan naman ni Jessy ang hirit ng asawa at sabay sabi na magpapagaling lang ito ng sugat. Marami naman napakomento na netizens sa lambingan nang mag-couple online na umani ng napakaraming komento. Well, well, well... 'Yun na!

Jessy Mendiola at Luis Manzano

SHOWBIZ BALITA

Huwebes, Mayo 25, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Julia Montes at Coco Martin

Makalipas ang mahigit isang dekada...
Coco, 'di na napigil na umamin sa relasyon kay Julia

MARAMI naman nagulat nang umamin na si Coco Martin sa tunay na estado ng relasyon nila ni Julia Montes.    Matagal na nga rin na gustong malaman kung ano nga ba ang tunay na score sa kanila ni Julia at nitong bida sa "Batang Quiapo". Kaya marami naman nagugulahan sa relasyon ng dalawa at 'di matumbok kung sila na nga ba o hindi.    Madalas naman kasing naiispatan ang dalawa na magkasama pero walang pag-amin na sila talaga. Kaso sa panayam sa "TV Patrol" ay 'di na nakapagpigil si Coco at sa bibig na nito mismo galing na magkarelasyon nga sila ni Julia at ganun din naman ang aktres na umamin na rin. Ani ni Coco na 12 years na sila magkasama at magkarelasyon at ang sarap nga raw sa feeling na nagsimula naman ang kanilang relasyon noon 2011 sa isang project sa ABS CBN. 'Di man naging open sa mahigit isang dekada na relasyon ay naging matibay at matatag ang kanilang pagiging "sila". 

Beside 'di na nga raw sila mga bata at kung ano nga raw ang nakita ng marami ay 'yun na nga raw 'yun dagdag kuda pa ni Coco. Ayon naman kay Julia marahil ay may gabay ni Lord ang relasyon nila dahil nasa sentro naman nila pareho ang Panginoon kaya naging matatag at tumagal sila.

Coco, pasok sa pinaka-trending sa 'Pinas tinalbugan ang 'V5 Legacy'

Coco Austin

Voltes V Robot

SA kabila na malaki ang lamang ng mga international celebrities at programs na trending ngayon ay lumaban naman ang "Voltes 5 Legacy" na makapasok sa top trending sa Twitter sa 'Pinas pero hindi pa rin sila umubra sa international model na si Coco Austin. Yes, hindi po ang bida ng katapat na programa kundi isang modelo ang Coco na tumalo sa "V5 Legacy". Pero lahat naman sila ay talbog sa tanyag na Cannes Film Festival 2023. At nandito ang kumpletong datos na trending sa Twitter sa Pilipinas kahapon: Cannes 2023 732K, Thailand  173K, Coco 58.3K, V5Legacy Sanib Puwersa 14.8K, at Baby Monster 18.7K. 

3 pelikula lalagariin...

Kathryn, pasok at nominado sa

Seoul International Drama Awards

TUWANG tuwa naman ang mga fanatic nang malaman na ang kanilang idolong si Kathryn Bernardo ay pasok at nominado sa gagawin na Seoul International Drama Awards (SDA) nitong darating na September 21 live broadcast sa KBS2 TV ng South Korea. Magbobotohan naman ngayong June 15 ang SDA para sa Outstanding Asian Stars at isa nga si Kathryn sa nominado. Ang mga bansa naman na makikipag-agawan sa nasabing parangal bukod sa Pilipinas ay South Korea, China, Thailand, Japan at Taiwan. Samantala ngayong taon 2023 at sa susunod na taon 2024 ay magiging masikip ang skedyul ni Kathryn dahil 3 pelikula naman ang kanyang lalagariin. Una na ang "A Very Good Girl" at sunod ay ang historical movie na "Elena 1944" at ang huli ay itong comeback at reunion movie nila ng dyowang si Daniel Padilla. Bonggacious! Well, well, well... 'Yun na!

Kathryn Bernardo

SHOWBIZ BALITA

Miyerkules, Mayo 24, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo, palaban at

nagpaka-daring

SA latest video clip na nasilip ng netizens sa socmed ay napanganga at napa-wow naman sila sa latest pictorial ng dyowa ni Daniel Padilla. Kahit nga ang bf ay for sure ma-inlove sa classic beauty ni Kathryn na pupuwede sa wholesome at pa-sexy. At ang ikinaloka naman ng netizens ay itong palabang Kathryn ay tumodo na sa pagka-daring sa latest pictorial nito para sa isang brand ng jewelry. At ang ikina-shock pa ng netizens ay itong may pa-cleavage pa si Kathryn. Kaya tanong ng netizens nagpaalam at may basbas ba ng dyowa na si Daniel ang pagde-daring ni Kathryn? Sa nakikita naman ng KathNiel supporters wala naman masama sa ginawa ni Kathryn kaya bakit magagalit si Daniel at trabaho lang ang ginawa ni Kath ani pa ng fanatic. Bumuhos naman ng mga positibomg komento ang pagiging daring ni Kathryn at halos lahat ng nagkomento ay napahanga sa kaseksihan ng aktres.

Lotlot at Matet, okey na kay Ate Guy...

70th birthday ni Nora Aunor dinaluhan ng mga anak

183957107_4210230915688961_7181397788171113507_n.jpg

Nora Aunor kasama ang mga anak na sina Kiko, Lotlot, Ian, Matet at Kenneth de Leon

KAHIT nga raw 70 at hinihingal na ay "masaya pa rin ako", ani pa nang nag-iisang superstar na nagdiwang ng kanyang kaarawan nitong Mayo 20. Muli ngang nagkita-kita sina Nora Aunor, ang nag isang superstar, at ang nagkasama-sama niyang limang anak na sina Ian de Leon, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth. Ito na nga raw ang pinakamasayang  kaarawan na naganap kay Ate Guy. Bukod naman sa nakita niyang magkakasama ang kanyang mga anak. Natuwa rin ito dahil natuldukan na ang sigalot at tampuhan sa pagitan niya at sa kanyang dalawang anak na sina Lotlot at Matet. Dinaluhan naman ng kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang kanyang birthday salo-salo. At nandun din ang long time friend nito na si John Rendez. Well, Happy Birthday Ate Guy! Well, well, well... 'Yun na...

SHOWBIZ BALITA

Martes, Mayo 23, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

images.jpeg

Sue Ramirez

Maris Racal

Sue, inakusahang tomboy at karelasyon ang kaibigang si Maris

NATATAWA na nga lang ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa mga ipinupukol sa kanyang intriga. Sa pagsalang ng aktres na si Sue sa isang YT channel ng Cosmopolitan, naitanong sa aktres kung ano nga bang mga ibinabatong intriga or isyu sa kanya na kanyang ikinaloka. 

Nangingiti naman si Sue na sinagot ang katanungan. At kahit naman si Sue ay halos mabaliw sa pag-iintriga sa kanyang gender. Ayon kay Sue ay naakusahan nga siyang tomboy, tibo, t-bird or tivoli. Pero kinontra ito ni Sue at sinabi na walang katotohanan ang ipinupukol sa kanya na mga isyu. Paglilinaw pa nito na babaeng babae ito at 'di siya tomboy. Dagdag pa nito na bukod sa tsismis na tomboy ang aktres ay naging dyowa pa raw nito ang kaibigan at kapwa artista na si Maris Racal. Pagdidiin pa ni Sue na 'di nito type ang kapwa ko, mahal ko. Pagmamalaki pa ng aktres na lalaki pa tin ang type nito. Pagpapatunay pa nito na masaya siya sa piling ng dyowang si Javi Benirez.

FOR THE FIRST TIME...
KAPUSO AT KAPAMILYA STARS NAGSAMA-SAMA SA WATCH PARTY NG "UNBREAK MY HEART"

346168759_1085763956144476_3323663171830072400_n.png

Gabbi

Richard

Jodi

Joshua

Larawan ni:

Alfredo Patriarca, Jr

TULUYAN na ngang natuldukan ang pagsasalpukan ng dalawang higanteng network ang Kapuso at Kapamilya network. Marami naman natuwa na netizens na pupuwede palang magkasundo na kay ganda nga raw sa paningin at sana pang forever na ang "peace" sa pagitan ng dalawang dating rival stations.

​

At dahil naman sa collab ng GMA at ABS-CBN sa serye na "Unbreak My Heart" nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia na mga pangunahing bida sa nasabing serye, for the first time lang nangyari na ang magkalabang network noon magkakampi na ngayon. Kaya naman, naging maningning nang mapuno nang mga bituing artista mula sa magkaribal na network ng GMA at ABS-CBN ang watch party ng kauna-unahang proyektong kolaborasyon ng Kapuso at Kapamilya na "Unbreak My Heart".

Ginanap ang event sa Trinoma sa Quezon City na dinaluhan din ng mga fans at executives mula sa GMA Network, ABS-CBN Network at Viu Philippines. Bukod sa mga bidang artista ilan sa mga naispatang artista ay ang mga Kapuso na sina Alden Richards, Sanya Lopez, Betong Sumara, Ashley Ortega, at Elija Alejo. Naroon din ang cast ng "Voltes V: Legacy" na sina Radson Flores, Matt Lozano, at Ysabel Ortega. Ang mga Kapamilya stars naman ay sina John Arcilla, Coco Martin, Julia Montes, Cherry Pie Picache, Andrea Brillantes, at Darren Espanto.

​

Ang "Unbreak My Heart" ay isang makasaysayang proyekto na kolaborasyon ng mga dating magkaribal na kumpanyang GMA Network at ABS-CBN, katuwang nga ang Viu Philippines. Ilan sa mga aabangan sa seryeng ito ay ang setting na nai-shoot pa sa mga lugar sa Switzerland at Italy, gayundin ang kuwento ng mga Pilipinong OFW at migrante roon. At isa pang kaabang-abang ay ang balik-tambalan nina Jodi at Richard.

​

Mapapanood mula Lunes hanggang Huwebes, magsisimula na ang "Unbreak My Heart" sa Mayo 29 sa GMA Telebabad, Pinoy Hits at I Heart Movies ganap na ika-9:35 ng gabi at 11:25 naman ng gabi sa GTV. Ipalalabas din ang serye sa GMA Pinoy TV at TFC. At may advanced screening sa Mayo 27 ganap na ika-9:00 ng gabi sa GMANetwork.com, iWantTFC at Viu.
 

Ria, bagong tagapagsalita ng MMDA?

PASOK na pasok sa pagiging kwalipikado itong si Ria Atayde sa pagiging spokesperson ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Inianunsiyo na nga ito ni Armando Artes sa page ng MMDA na ang aktres na si Ria na nga ang kapalitan ng dating spokesperson na si beauty pageant contestant Celine Violago. Naisumite na nga sa Palasyo ang mga dokumento para sa pag-appoint kay Ria. Malaking puntos naman ang kursong kinuha ni Ria na Communications sa La Salle. Dagdag pa ang kanyang pagiging celebrity. Wala pa ngang reaksyon dito si Ria na kasalukuyang nasa Cannes para sa film na "Toppak" under sa Nathan Studios na pag-aari nina Slyvia Sanchez, Ria at Cong. Arjo Atayde.    Congrats Ria! Well, well, well... 'Yun na!

Ria Atayde

SHOWBIZ BALITA

Lunes, Mayo 22, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

viber_image_2023-05-20_12-28-16-597.jpg

Anne Curtis

Pasok sa top trending...

Anne, nakipagpukpukan sa ranking

BUKOD-tangi na si Anne Curtis lang ang bukod-tangi na Filipino Celebrity na nakipagsabayan kung pagdating sa trending ang pag-uusapan. Napahilera si Anne sa mga top trending sa Twitter. Ang latest video upload vlog nito na pagpunta sa Korea ay talaga naman maraming sumilip sa pagbisita ni Anne sa nasabing bansa. At ang nakaka-proud pa sa Pinoy ay itong bukod-tangi lang si Anne ang nakapasok na local celebrity sa 'Pinas sa mga trending sa Twitter kamakailan na dinomina ng mga foreigner o international artists. Natuwa naman ang mga fanatic na namumukod tangi na nag-iisa lang itong nakapasok na Pinoy Celebrities sa pagiging trending. Halos karamihan naman ng nakapasok sa top trending sa Twitter nung isang araw last week ay mga banyaga or foreigner. Marami naman natuwang netizens na Pinoy at 'di talaga nagpapahuli ang ating kababayan sa 'Pinas sa anumang larangan. 

As in, 'di pupuwedeng 'di makakakuha ng spot or slot tulad ni Anne na pasok sa banga. Napuno naman ng pagbati ng "congratulations" sa comment section ang socmed account ng TV host/actress/singer. Bonggacious!

Buboy, pinagsabay ang the past at present dyowa

MARAMI naman natuwa na naging matalik pang magkaibigan sina Sunshine Cruz at ang latest partner ng kanyang ex-hubby na si Cesar Montano na si Kath Angeles. Natuwa ang netizens na pupuwede naman pala magkakasundo-sundo na siyang nangyayari ngayon sa the past at present dyowa ni Cesar. As in, sabay naman niya itong idineyt nitong nakaraang Mother's Day. Parehong may mga anak si Buboy kina Shine at Kath. May mga comment sa post na pics sa socmed na "sana all". Nakakagiliw naman tignan na ganyan ang mangyari sa iba pang meron din kaparehong sitwasyon nina Cesar, Shine at Kath. Samantala, may nag-usisa naman na sana nandun din ang nanay ni Coco at nanay ni Diego na si Teresa Loyzaga. Para raw blended family na ang peg. Well, well, well... 'Yun na!

Kath Angeles, Cesar Montano, at Sunshine Cruz

SHOWBIZ BALITA

Mayo 19, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

"Voltes V Legacy", may nagsasabotahe?

ITO ang pakiramdam ng mga solid followers ng sci-fi series na "Voltes V Legacy". Noon pa raw May 8 nung nagsimula ang "Voltes V Legacy" ay 'di na tinigilan ang pagbanat ng kalaban at katapatan ng sci-fi series ng Kapuso.   Natatawa na nga lang daw ang mga solid Voltes V fanatic sa ginagawang pagsabotahe ng kalaban dahil nauungusan na sa rating ang "Batang Quiapo" ani pa ng fanatic. Ito naman ang nakikita ng mga solid viewers ng GMA-7. Puna nila na may time na mahina signal na halos 'di na makuha ang channel ng GMA-7 kung saan ipinalalabas ang "Voltes V Legacy". At kung time naman ng sci-fi series saka naman nagbra-brownout kaya naman pinuputakti ng samu't saring negatibong komento ang nagsasabotahe sa fave TV series ngayon, ang "Voltes V Legacy".  ". Kahit nga raw noon 2005 panahon ng "Darna" ni Angel Locsin ay may ganyan na raw na galawan ang kalaban ang pananabotahe ani pa ng netizen. 

Kaya naman hinikayat ng netizens ang mga parokyano ng cable television na lumipat na lang ng ibang cable TV provider dahil pag-aari yata ng kalabang programa ng "Voltes V Legacy" ang isang cable TV company kung saan nasasabotahe ng sci-fi series. May sitsit pa ang netizens na 'di na dapat nakipag-collab ang GMA sa ABS CBN dahil iba sila gumalaw. Hmmmp!?

Maja, ayaw mangarag sa

mismong kasal...

KAYA naman pihikan si Maja Salvador sa pagpili ng mga project na ibinibigay sa kanya. Trulili na may mga offer kaso 'di muna gina-grab ni Maja ang.mga proyekto. Ayaw na muna niya ng mga heavy projects na like teleserye. Kaya as long as possible ay mga light projects lang ang tinatanggap ni Maja sa ngayon. Nagre-ready na nga ito sa kanilang pagpapakasal ni Rambo Nunez this coming month of July. Kung tatanggap man ito ng proyekto ay 'di muna mga teleserye na magdamagan ang taping. Kaya katuwiran ni Maja na 'di naman siya tumatanggi para i-grab ang project kundi gusto naman nito na sa araw ng kasal nito ay fresh ang peg nito. Ayaw naman nito na sa araw ng kanyang kasal ay ngarag ang kanyang datingan. Tatanggap si Maja ng project pero mga light lang muna hanggang sa dumating ang kanilang kasal ni Rambo.

Maja Salvador

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo

Matteo, may isiniwalat na natuklasan kay Sarah G

PROUD mister naman itong si Matteo Guidicelli sa kanyang esmi na si Sarah Geronimo. Sa pagsalang nito sa "Fast Talk" ni Boy Abunda ay marami naman itong tsinika regarding sa kanyang esmi na si Sarah. Bukod naman sa pagiging workaholic, loving at napakabait na misis ay ibinuking naman nito ang isa nitong natuklasan ngayong nagsasama na sila ni Sarah. Kahit nga si Boy ay excited na kung ano nga ba 'yung natuklasan ni Matteo kay Sarah na 'di pa alam ng lahat. Pabitin-bitin pa si Matteo kung ano nga ba ang natuklasan nito sa kanyang asawa at all over the world pa nitong ipinagwagwagan. Inulit nga ni Boy ang tanong kung ano nga ang natuklasan na 'di pa alam ng lahat. At buong ningning ngang inihayag ni Matteo na ubod ng sexy pala ng kanyang asawa na si Sarah. Sa kabilang banda ay wish naman ni Matteo na sooner ay magkaroon na sila ng bunga na kanilang magiging anak. Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Mayo 18, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Socmed Star o Content Creator Nagkakagulo na Dahil sa Kuda ni Bitoy

NAG-ugat at lumaki pa nang lumaki ang isyu nang mag-post si Michael V a.k.a. Bitoy na ang mga content creator nga raw sa kahit na anong socmed platform ay pinag-iisipan ang salitang 'content'.  'Di naman nagustuhan ito ni Rendon Labador na isang motivational creator. 

viber_image_2023-05-17_05-28-09-437.jpg

Rendon Labador

Michael V

Si Rendon din ang bumanat kay Coco Martin sa pagsu-shooting nito sa Kiyapo ng "Batang Quiapo". At nagpaulan naman ito ng maaanghang na salita laban kay Coco at sa bumubuo ng BQ. At kinampihan naman si Coco ng mga kasamahan nito sa nasabing serye at binanatan din nila si Rendon na nagkukuwestyon kung bakit sa Quiapo nagsu-shooting na isang malaking perwisyo raw para sa mga nagtitinda sa paligid. At eto't may panibagong tira na naman si Rendon at si Michael V a.k.a. Bitoy ng "Bubble Gang" naman ang binanatan. Tila 'di nagustuhan ni Rendon ang post ni Michael V regarding sa mga content creator na isipin mabuti ang salitang creator at nagpantig ang tenga ni Rendon at sinabihan nito na laos na si Michael V at ang katulad nga raw ni Rendon at kagaya niya na mga socmed influencer ang in at trending ngayon at 'di na raw in ngayon ang mga laos na artista na dinamay na nito lahat ng kumampi kay Bitoy. Marami naman taga-showbiz na kumampi at rumesbak kay Rendon. At kahit nga sina Tuesday Vargas na isa ring content creator ay pumanig kay Michael V na sinalag at binarag-barag naman ito ng isa ring C.C. na si Valentin Rosales. Dahil nagkakaroon na nang sigalot sa pagitan ng mga socmed star at mainstream ay marami nang sumawsaw at bilang resbak sa banat ni Rendon ay may ginawang kanta si Michael V na alam ng netizens na patama ito kay Rendon.

Vice, 'Di Matanggap na Naungusan ng "Voltes V Legacy" sa Rating Ang "Batang Quiapo"

viber_image_2023-05-17_05-28-09-854.jpg

Vice Ganda

Coco Martin

"Voltes V Legacy" cast

HINDI na nga nagpaligoy-ligoy pa si Vice Ganda nang magbigay ito ng komento regarding sa rating ng dalawang nagsasalpukang serye sa primetime. Kamakailan lang ay nag-tie sa rating na 14% ang "Voltes V Legacy" at "Batang Quiapo". At eto lang kamakailan lang ay naglabas ang GMA network ng kanilang datos na naungusan na ng "Voltes V Legacy" ang action series ni Coco. Kaya naman napakuda si Vice Ganda, ang noontime TV Host ng "It's Showtime" at 'di makapaniwala sa rating. Yung dating katapatan ng BQ na "Mga Lihim Ni Urduja" ay 'di naman nakaalagwa sa rating hanggang sa mamamaalam ito. 'Di nga matanggap ni Vice na ang kaibigan ay mahina ang rating na alam naman nito na lahat ng kanyang galawan ay kanyang inaaral at pinaghihirapan. May comment naman ang TV Host na 'Voltes V niyo basura' na pasaring yata ito ng kaibigan ni Coco na burado na ngayon ang komento. Sa pagtaas naman ng rating ng "Voltes V Legacy" ay challenge naman ito sa kanila kung paano ime-maintain ang taas ng rating at 'di naman of course magpapabaya si Coco na maibalik ang kanyang kinang. Well, well, well... 'Yun na!

SHOWBIZ BALITA

Mayo 17, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Dahilan ng pagbuwag ng MayWard... 
Edward, nasumpungan maglingkod sa Diyos 

NAKAGISNAN ni Edward Barber ang pag-attend sa kanilang church. Bukod naman sa showbiz ay dito naman nakalaan ang oras at panahon ni Edward ang pagbigay time sa pagwo-worship sa ating Panginoon. Pinuri naman ng netizens ang pagiging malapit nito sa Diyos. At dahil aktibo naman sa kanilang ministry si Edward ay talaga namang kabisado na mga verses mula sa halaw ng Banal na Aklat. Dahil naman sa pagiging active nitong si Edward sa kanilang church. Asahan na nga raw na darating ang panahon na tututok na ito sa pagbabahagi at pagpapalaganap ng Word of God.  At 'di naman itinanggi ni Edward na sa pagdating ng panahon ay gusto nito na maging ganap na pastor at isa nang tagapaglingkod ng mga gawain ng Diyos. 

viber_image_2023-05-16_06-42-37-826.jpg

Edward Barber at Maymay Entrata

So, alam na if ever na magretiro na ito sa showbiz at maging ganap nang pastoritong si Edward. Kaya napaisip ang netizens na baka ito ang dahilan kaya ang loveteam ng MayWard ay nabuwag. Naging ka-loveteam naman ni Edward itong si Maymay Entrata na solo flight na sa kanyang career.

Klim Chui

'Di mamatay-matay na isyu...

 Kim Chiu, kinainisan ng animal lovers at binira ng bashers

ALMOST years na ang lumipas nang kumuda si Kim Chiu sa programang "It's Showtime". Two years na raw ang lumipas at may mga bashers na 'di pa rin maka-move on sa kabila ng ang mismong noontime host ay humingi na ng apolgy. Ni-repost at may nagpakalat ng viral video kaya naman nabuhay muli ang isyu. Ang isyu kasi na ikinairita ng bashers ay nung pagkomento ni Kim na naiinis ito sa pusa na nag-iingay kapag gabi pa man din. Naisip daw nito sabuyan ng mainit na tubig para tumigil pero humingi na raw ito ng sorry.Kaso may mga basher na nagsabi na pasmado raw masyado ang bibig ni Kim at 'di pinag-iisipan ang sasabihin bago pa man magbitiw ng salita.

Kaya kahit mga animal lovers ay nagalit kay Kim sa pagbuhos nito ng mainit sa nag-iingay na pusa. Nilinaw ni Kim na pinutol ang nag-viral video at wala nga raw yung portion na humingi na ito ng sorry. Hindi naman daw nito magagawa na saktan ang pusa dahil nga takot ito dito. Sa kabila ng mga paliwanag ni Kim ay bina-bash pa din ito. Nakiusap naman ang aktres na tigilan at tantanan na siya ng bashers. At nag-sorry na raw ito kaya nagtataka ang TV Host Actress bakit 'di mamatay-matay ang isyu. Nalungkot naman ang gf ni Xian Lim na pati mga animal lovers ay nagalit sa aktres.

Fit sa lahat...

Mel Feliciano, may ipapatikim sa QCitizens na sinigurong magugustuhan ng mga ito

mjb57.jpg

SINO naman ang makakalimot sa napakahusay na dance choreographer of all times? Halos lahat na yata ng TV programs ay naging bahagi ang name na Mel Feliciano. 'Di naman matatawaran ang kanyang husay sa pagsasayaw. Kahit na anong tugtog ay kayang iindak at isayaw ni Mel sa haba nang panahon na naging mundo na niya ang sayawan kaya expect na ang husay nito.

​

Samantala, excited na ang batikang choreographer na si Mel Feliciano na i-share sa mga taga-QC ang kanyang naimbentong fitness dance na Chamba sa pamamagitan ng "Chamba Independence Day: Sayawit Para sa Kalayaan" na gaganapin sa Liwasang Aurora sa QC Memorial Circle sa June 11, Sunday. 

​

Wala pa ngang kupas ang the moves ng ating idol sa sayawan at ngayon ay nakalikha siya ng isang fitness dance na good for all ages kahit pa sa ating mga oldies at kiddies. Ang Chamba ay parang Zumba pero mas mabagal ito dahil nga may halong Chacha. Kaya naman swak na swak ang choreography nito sa kahit kaninong gustong umindak at maging physically fit.

​

Ang "Chamba Independence Day: Sayawit Para sa Kalayaan" ay handog ng Kalinangan TV at ng Noblelife International para sa mga tinatawag na QCitizens at ang proyektong ito ay sa pakikipagtulungan ng Quezon City Government at Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas kung saan ang napiling benepisaryo naman ay ang Kiwanis Club of Quezon City Legends para sa mga charity projects nito.

At hindi lang ang Kiwanis QC Legends ang makikinabang sa project na ito, dahil siyempre, Independence Day activity ito kaya isa sa nais i-promote ng grupo ay ang konsepto ng bayanihan kung saan sa halip na maningil ng registration sa bawat isang lalahok, dito ay ang mga less privilege peeps na nais makasali ay maaaring sponsoran ng mga nakaluluwag na nais mag-share ng kanilang blessings thru sponsorships. May mga papremyo pa ito sa mga sasali sa On-the-Spot Dance Contest, Raffles at may free health assessment din para knows ng mga magjo-join ang status ng kanilang health.

​

Pinasalamatan naman ng bumubuo ng team at ng nasa likod ng programang "Chamba Independence Day: Sayawit Para sa Kalayaan", ang butihing alkalde ng Lungsod ng Quezon na si Mayor Joy Belmonte sa pagpapagamit sa venue ngayon darating na bisperas ng Araw ng Kalayaan.

​

At para naman sa mga nais na makakuha ng free slot sa "Chamba Independence Day: Sayawit Para sa Kalayaan" ipadala lamang ninyo ang inyong pangalan, address, barangay, Email at contact numbers sa aming website https://kalinangantv.wixsite.com/ktvvlog. Kita kits sa mga mahihilig sa Zumba at Chacha na ngayon ay tawag ay Chamba. Well, well, well... 'Yun na!###
 

SHOWBIZ BALITA

Mayo 16, 2023

PUTUKAN 

Ni Jovi Lloza

Dedma sa isyu...

Michelle Dee, nakabawi sa 2 pagkatalo nang magwagi sa Miss U PH 

viber_image_2023-05-15_11-40-02-447.jpg

Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee

SA katatapos na Miss Universe Phillipines 2023 ay ang taga-Makati naman na si Michelle Dee, beauty queen/actress  ang itinanghal na pambato natin na makikipagpukpukan sa El Savador. Pero may mga intriga naman at isyu na palakasan nga raw na sitsit ng mga fanatic ng natalong mga kandidata. Nagtataka ang mga supporters ni Pauline Amenlinckx kung bakit ganun ang naging resuls kahit nakapuwesto din ito na 'di nga lang Miss U PH. Ang matindi naman na nagpukpukan na masungkit ang korona ay sina Michelle na taga-Makati, Pauline ng Bohol at si Krishnah Gravindez ng Baguio. Si Krishnah naman ang itinanghal na Miss Charm at si Pauline ay naging Fan Fave at siyempre, ang itinanghal nga na bagong Miss U PH ay ang anak ng dating beauty queen at actress din na si Melanie Marquez na si Michelle. Nakapuwesto rin si Pauline na nasungkit ang pagiging Miss Supernatiomal PH.  

Kaya naman tila tumataas pa rin ang kilay ng mga fanatic ng ibang kandidata sa naging resulta ng Miss U PH 2023 at tila kinukuwestiyon ang kakatapos na result dahil nga si Michelle ang nanalo sa kabila ng maraming nahakot na awards itong si Pauline. Sa kabilang banda, ay ayaw na nga patulan pa ni Michelle ang mga supporters ni Pauline na duda sa kanyang pagkapanalo. Kung siya nga raw dati ay tanggap nito ang pagkatalo na masungkit ang MIss U PH  noon 2020 na kung saan ay si Rabiya Mateo ang nanalo. At eto lang 2022 ay muli ngang sumubok si Michelle kaso mailap ang kapalaran at 'di pa rin nasungkit nito ang korona sa pagka-Miss U PH kung saan si Celeste Cortesi ang itinanghal na Miss U PH 2022. Pero tanggap at sport lang si Michelle at 'di ito tumigil sa pagsali kaya nga veteran beauty queen na ang bansag sa kanya na sa wakas ay nakasungkit na rin ng title. At naging fave din si Michelle lalo na sa Q and A na nagpabilib sa judges dahil ang sagot nito ay pang-winner sa Miss U PH. Deserving naman na manalo si Michelle ika ng netizens dahil ang tanong sa iba pang finalist ay nandun na lahat sa sagot ni Michelle. Congrats Michelle!
 

​

Maine, nanggulat sa premiere ng movie ni Cong. Arjo

ISANG karakter na naman ang na-challenge na gawin nitong si actor/politician Cong. Arjo Atayde, medyo na miss na nga nito na makaganap sa harap ng lente ng kamera. Isang psychopatic or isang psycho killer ang karakter na ginampanan ni Arjo para sa bago nitong project na halaw sa 1996's film na "Sa Aking Mga Kamay" na pinagbidahan nina Christopher De Leon, Aga Muhlach at Chin Chin Gutierrez. Inaral at nag-research naman nang husto si Arjo para maibigay ang tamang atake sa kanyang role. Pumapatay ng manlolokong asawa ang tema ng pelikula.Ini-expect naman ng utaw na busy si Maine Mendoza, ang gf ni Arjo na 'di namataan sa paglakad sa red carpet.

Maine Mendoza at Cong. Arjo Atayde

Gulat na lang ang tao na after ng palabas ay nasilayan na ang beauty ni Maine at ano naman ang masasabi nito sa project ng bf.  Magaling at napakahusay naman daw ng pagkaka-portray ni Arjo sa kanyang karakter na ikinumpara pa ni Maine sa inang si Sylvia Sanchez na isang mahusay na aktres. Everybody knows naman daw na all out support si Maine sa kanyang fiance' na si Arjo. 

Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

Jessy, ipinasilip ang paggulong ni Baby Peanut 

SA latest video naman ni Jessy Mendiola ay ipinakita nito ang kanyang latest vlog. Dito ipinakita at ipinasilip ni Jessy Mendiola ang anak na 3 months and 2 weeks pa lang. Pero natuwa naman si Jessy dahil marunong na nga raw itong mag-rolling or magpagulong-gulong. Kaya 'di nga raw ito pupuwedeng ilagay sa kama o sa sofa na baka any moment sa paggulong-gulong nito ay mahulog.  Kita nanan sa video ang katuwaan at pagiging proud ni Jessy sa kanilang panganay ni Luis Manzano na si Isabelle Rose Tawile Manzano o si Baby Peanut.  Sa caption nga ni Jessy sa kanyang vlog na best gift nga sa kanya ang kanyang Baby Peanut at magandang gift this Mother's Day. Kahit naman si Luis ay aliw na aliw sa paggulong-gulong ng anak. Well, well, well... 'Yun na!

bottom of page