top of page

2023 GAWAD BAGONG BAGANI
AARANGKADA NA MULI

backround.jpg

Pangalawang Pangulo Sara Duterte, Senador Padilla, Mga Lungsod ng Quezon at Maynila Kinilala sa 2022 Gawad Bagong Bagani

Gawad Bagong Bagani  1.JPG
CAM10346.JPG
Bagani133.jpg

Ang mga ginawaran ng parangal sa 2022 Gawad Bagong Bagani kasama si Baron Rjhay E. Laurea ng Royal House of Dula (larawan sa kaliwa) at si Quezon City Mayor Joy Belmonte hawak ang dalawang plake na ang isa ay para sa Lungsod Quezon na kinilala bilang Kampilan ng Bagong Bagani at ang isa pa ay para sa kanya mismo na ginawaran ng pagkilala bilang Bagong Bagani para sa sektor ng pamahalaan.

backround.jpg

LUNGSOD QUEZON - Pormal nang iginawad ng Kalihiman ng Gawad Bagong Bagani sa mga kinilalang personalidad at pangkat na nagkaroon ng mahalagang ambag sa pagpapayabong, pangangalaga, pagpoprotekta at pagpapanatili ng ating katutubong kultura, sining, kaugalian, tradisyon, kasaysayan at pamana ng lahing Pilipino.

​

Inilunsad ng organisasyong Group of Unified Youth for Social Change (GUYS) at inayunan ng Principalia Hereditary Council of the Philippines (Principalia Council) noong 2018, ang Gawad Bagong Bagani ay patuloy na lumalawak at lumalaganap sa sa kapuluan ng Pilipinas.

​

"Mas pinalakas at pinalawak po natin ang gawad na ito kung saan hinihirang natin ang mga maituturing na bayani ng ating lahi, kumbaga, dahil sa kanila ay nananatili ang pagkakakilanlan, kasarinlan, at pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino o puwede rin natin sabihing mga Maginoo at Maharlika," sabi ni Baron Rjhay E. Laurea, tagapangulo ng Gawad Bagong Bagani at mula sa Royal House of Dula ng Principalia Council.

​

Bago dumating ang mga Kastila, Maginoo ang taguri sa mga dugong bughaw na pinuno ng mga bayan nasa ilalim ng lakanato, rahanato o sultanato, samantalang ang kanilang mga mandirigma ay kinilalang Maharlika at ang mga maituturing na banal na bayani ay ang mga Bagani.

​

Nangunguna sa listahan ng mga gagawaran ng pagkilala sina Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte bilang Kampilan ng Bagong Bagani dahil na rin sa ipinamalas niyang pagpapahalaga sa mga katutubong Pilipino, gayundin, si Senador Robin Padilla na nagsusulong naman ang paggamit ng wikang Filipino sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Senado. Si Padilla rin ang isa sa nagsusulong ng Pederalismo upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat rehiyon na makakatulong sa ating mga kababayang Muslim.

​

Ipinaliwanag ni Laurea na nagdesisyon ang pamunuan ng Gawad Bagong Bagani na palawigin pa sa ibang sektor ang pagbibigay ng parangal matapos na mapansin na hindi lamang mga nasa propesyon ng kultura at sining ang nagiging instrumento sa pagpapayabong, pangangalaga, pagpoprotekta at pagpapanatili ng ating katutubong kultura, sining, kaugalian, tradisyon, kasaysayan at pamana ng lahi.

"Mas maraming sektor ang makakasama, mas magiging matatag at malakas ang ating posisyon para mapanatili ang ating katutubong kultura, sining, kaugalian, tradisyon, kasaysayan at pamana ng lahi.

 

Hakbang din natin ito upang proteksiyunan ang ating bayan laban sa hindi direktang pananakop ng mga banyaga gamit ang pag-impluwensiya sa ating kultura, pagsagasa sa ating kasaysayan at pamana ng lahi sa nagpapanggap na anyo ng diumano'y pagpapaunlad sa ating bayan," ayon pa kay Laurea.

​

Aniya pa, bagamat mahalaga na mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa, hindi dapat nito nasisira and ating katutubong pagkakakilanlan, gayundin ang ating kalikasan.

​

Para naman kay Lakan Sofronio "Toti" Dulay, punong patriarko ng Principalia Council, napakahalaga ng aktibidad na ito sapagkat bahagi ito ng paggunita sa kaarawan ng kanilang ninuno na huling hari ng Bayan ng Tondo - si Lakan Bunao Dula.

​

Noong nakaraang Biyernes ang ika- 519 kaarawan ni Lakan Dula na ipinanganak noong Disyembre 16, 1503.

 

"Ang Bayan ng Tondo ang isa sa pinakamaunlad na Pilipino settlement noong bago dumating ang mananakop na Kastila. Bagamat binibigyan din natin ng kredito ang mga naiambag ng mga Espanyol sa pagpapayabong ng ating kultura at paghahatid dito ng Katolisismo, kailangan din nating bigyan ng pagkilala ang ating mga ninunong katutubo na inialay ang kanilang buhay at lumaban para mapanatili ang ating pagkakakilanlan bilang mga Lumad at Asyano," ayon pa kay Dulay.

​

Aniya pa, ang Gawad Bagong Bagani ay hindi tulad ng mga nakagisnan na nating award-giving body sapagkat ito ay maituturing umano na pagbibigay ng maginoong titulo o royal title sa mga pararangalan dahil ang naggagawad nito ay ang mga kaapu-apuhan ng mga dating lakan, rajah, datu at sultan.

​

"Ang Principalia Council, na siyang nangunguna sa pagpili ng mga bibigyan ng pagkilala ay mga royal houses na binubuo ng mga kaapu-apuhan ng native nobilities ng pre-Hispanic Philippines na kinabibilangan ng Royal House of Dula (Lakan Bunao Dula), Royal House of Salamat (Datu Magat Salamat), Royal House of Capulong (Datu Dionisio Capulong), Royal House of Sumakwel (Datu Sumakwel), Royal House of Lapu-Lapu (Datu Lapu-Lapu), Royal House of Cabailo (Kingdom of Palawan), Royal House of Tupas-Humabon (Rajah Humabon), at Royal House of Gatchalian (Gat Chalian)," sabi pa ni Dulay.

​

Idinagdag pa ni Dulay na sa mga susunod na araw ay mapapabilang na rin sa kanilang hanay ang Royal House of Poloin (Dayang Maria Poloin) kung saan nabibilang ang angkan ng ating pambansang bayani na si Gat Jose P. Rizal.

​

Narito naman ang kumpletong listahan ng mga pararangalan sa 2022 Gawad Bagong Bagani:

​

KALASAG NG BAGONG BAGANI


HANAY NG PANGKAT
1. BLUE EVENTS PRODUCTIONS (RESPONDE: MATA NG MAMAMAYAN) (PAMAMAHAYAG O MIDYA) 

 

KAMPILAN NG BAGONG BAGANI

​

HANAY NG INDIBIDUWAL
1. KONSEHAL BERNARD HERRERA (PAMAHALAAN) 
2. KONSEHAL VICTOR "JUN" FERRER, JR. (PAMAHALAAN) 
3. KONSEHAL DOROTHY "DORAY" DELARMENTE (PAMAHALAAN) 
4. KONSEHAL TANY JOE "TJ" CALALAY (PAMAHALAAN) 
5. KONSEHAL LENA MARIE "MAYEN" JUICO - (PAMAHALAAN) 
6. KINATAWAN JUAN CARLOS "ARJO" ATAYDE (PAMAHALAAN AT KULTURA AT SINING) 
7. BISE-ALKALDE JOHN MARVIN "YUL SERVO" CRUZ NIETO (PAMAHALAAN AT KULTURA AT SINING) 
8. SENADOR ROBINHOOD FERDINAND C. PADILLA (PAMAHALAAN AT KULTURA AT SINING) - 
9. BISE-PRESIDENTE SARA Z. DUTERTE-CARPIO (PAMAHALAAN) 

​

HANAY NG PANGKAT
1. PAMAHALAANG LUNGSOD NG QUEZON 
2. PAMAHALAANG LUNGSOD NG MAYNILA 

​

BAGONG BAGANI (PINAKAMATAAS NA PAGKILALA) 

​

HANAY NG INDIBIDUWAL
1. RODERICK ALO (EDUKASYON AT KULTURA AT SINING) 
2. HAROLD SILLA (KULTURA AT SINING) 
3. ALEX SANTOS (PAMAMAHAYAG O MIDYA) 
4. JOCELYN MATSUDA BUSBUS (PILIPINO SA IBAYONG-DAGAT) 
5. ERLINDA PARAS (EDUKASYON AT KULTURA AT SINING) 
6. JOSELITO "PING" GARCIA (KULTURA AT SINING) 
7. GASPAR "VIC" TIRO - (KULTURA AT SINING) 
8. REYNANTE TALABON (EDUKASYON AT KULTURA AT SINING)
9. DEXTER MACARAEG (KULTURA AT SINING) 
10. RYAN FERDINAND CALLANTA (PAMAHALAAN)
11. KOMISYUNER BAE JENNIFER PIA LIMPAYEN SIBUG-LAS (PAMAHALAAN) 
12. ALKALDE MARIA JOSEFINA TANYA "JOY" BELMONTE (PAMAHALAAN) 

​

HANAY NG PANGKAT
1. TANGHALANG BANYUHAY (KULTURA AT SINING) 
2. TEATRO OKTUBRE NUEVE (KULTURA AT SINING) 
3. QUEZON CITY PHOTOGRAPHERS GUILD (PAMAMAHAYAG O MIDYA)
4. TANGHALANG BAGONG SIBOL (KULTURA AT SINING) 
5. BANTAY AT KASANGGA NG OFW INTERNATIONAL (PILIPINO SA IBAYONG-DAGAT) 
6. BASILICA MINORE DE SAN PEDRO BAUTISTA (SOSYO-SIBIKO) 
7. NATIONAL ECONOMIC PROTECTIONISM ASSOCIATION (KALAKALAN) 
8. PAMANLAHI (SOSYO-SIBIKO) 
9 SAKIA - SAMAHANG KAAGAPAY NG MGA INDEPENDENT ARTIST (KULTURA AT SINING) 
10. JUNIOR CHAMBER INTERNATIONAL (JCI) QUEZON CITY DIAMANTE 

​

Katuwang ng GUYS at Principalia Council sa proyektong ito ang Kalinangan TV, Kapatiran ng mga Mamamahayag sa Pilipinas (KMP), at ang benepisaryo ng programa ay ang mga gawaing pangkawanggawa ng Kiwanis Club of QC Legends at Kiwanis Club of QC Central.

​

Ang 2022 Gawad Bagong Bagani ay ginanap noong Sabado, Disyembre 17 sa Basilica Minore de San Pedro Bautista sa San Francisco Del Monte, Lungsod ng Quezon.###
 

Malapit na!!!

bottom of page